Linggo, Oktubre 25, 2015

Polusyon sa Pilipinas




POLUSYON




Simula pa lang, maganda  na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat, walang mga punong pinuputol.  Polusyon, isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng polusyon, hangin, tubig at lupa.

Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating ozone layer. Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng mga basura galing sa mga mamamayang iresponsable at walang disiplina. Ito rin ang mga pagputol ng mga puno sa ating mga kapaligiran. Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa pabrika, mga basurang itinatapon sa tubig, at mga dumi galing sa kanal.

Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Maraming mga paraan para mapigilan ito. Isa na dito ay ang pagtapon ng mga basura sa tamang paraan, pagtitipid ng enerhiya, obserbahan ang mga nakakasama sa kapaligiran, maging isang responsableng mamamayan at marami pang iba. Bilang isang estudyante makakatulong ako sa ating bansa na panatilihin nating malinis ang kapaligiran sa paraan ng pagturo sa aking sarili at sa aking mga kapwa na pangalagaan ang mga nasa paligid natin.  



11 komento: